Jennifer Lopez on Pinoy fans: They are so supportive and loving

Excited na umano ang Latina superstar na si Jennifer Lopez sa nakatakda niyang one-night-only concert sa Mall of Asia Arena sa Lunes, November 26.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, tiniyak ni Jennifer na mag-e-enjoy ang lahat sa gagawin niyang concert sa Pilipinas na bahagi ng kanyang J.Lo Dance Again World Tour."

It has a lot of energy," pahayag ng dating American Idol judge. Youre gonna get all the songs that you know me for and a couple of new ones too. Its very theatrical in a sense, it kind of tells a story."

Alam ni JLo na marami siyang Pinoy fans at natutuwa umano siya dahil masipag silang makipag-ugnay sa pamamagitan ng social networking site.

They are so supportive and loving. They are like, Come to Manila! And I am like, I am coming!," masaya niyang kwento.

Sa pag-imbita ni Jennifer sa kanyang Pinoy fans, tiniyak niya na magiging masaya ang gabi ng kanyang concert sa MOA Arena sa Nov. 26. -- FRJimenez, GMA News


Comments