Maja Salvador says meeting Jennifer Lopez in person is "happiest day" of her life

Maja Salvador says meeting Jennifer Lopez in person is "happiest day" of her life

Excited na ikinuwento ng Kapamilya actress na si Maja Salvador ang kanyang unexpected encounter sa iniidolong si Jennifer Lopez noong November 26.

Sa meet-and-greet na ginanap noong November 27, sa SM Manila, para sa kanyang bagong gadget endorsement na Coby Kryros, ikinuwento ni Maja sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang kanyang face-to-face meet-up kay J.Lo.

It was an amazing experience talaga. Yun, happiest day of my life, yesterday! bulalas niya.

Hindi raw naiwasang maging emosyunal ni Maja nang makita niya ang kanyang idolo sa isang hotel sa Makati bago ang kanyang concert.

Sobrang iba, yung parang siyempre napapanood mo lang yung mga music videos niya, sobrang fan ka ng mga songs niya, sinasayaw mo yung mga kanta niya, di ba?

Pine-perform namin yung mga kanta niya, tapos biglang si J.Lo, nakausap mo, nakaharap mo, yung sobrang idol mo, nandun.

"Talagang pagdating ko sa room, wala, talagang nagwawala ako!

Idinetalye na rin ni Maja kung paano niya nakita at nakausap si Jennifer Lopez.

Sobrang-sobrang fan ako ni J.Lo. Number one fan talaga niya ako.

"So, meron na ang nangyari... meron akong event nung isang araw, so kailangan kong mag-stay sa isang hotel.

"Tapos kasi, nag-overnight, tapos nag-decide akong mag-stay ulit kasi alam kong the following day, concert ni J.Lo.

"Pero hindi ko ine-expect na same hotel kami na mapupuntahan.

Pero ang nangyari, nag-gym ako, parang nag-text yung kaibigan ko na parang ka-gym ko yung mga dancers ni J.Lo, So dito naka-check-in si J.Lo.'

"Tapos, e, lagi akong nagdyi-gym dun sa hotel na yon.

"Tapos, e, di, nag-gym ako, tapos wala na yung dancers, so okay lang.

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.


Comments